TopBlogs.com.ph

Politics & Government - Top Blogs Philippines

Thursday, April 15, 2010

Si NoyNoy at ang Tuwid na Daan

May narinig akong radio ad ni Noynoy Aquino kaninang umaga. Ginamit niya yung na two roads bilang kwento sa Ads. Isang baluktot at isang tuwid. Ang mga Politiko daw na pinipili ang baluktot na daan ay maihahalintulad sa isang ahas na di dapat pagkatiwalaan. At siya Pinili niya ang tuwid na daan, kung saan doon niya aakayin ang mga Pilipino, isang matuwid na daan patungo sa kaunlaran.

Sa Piniling daan ni Noynoy makikita nating ang kawalang kakayahan niya. Para kasi sa akin ang pagpili sa isang madaling daan ang pinakaalang kwentang gagawin ng isang lider.

Sa isang tuwid na daan wala ka ng gagawin kundi dumaan, wala na kasing sagabal, walang nakaharang. Wala ka ng dapat linisin. Kumbaga plantsado na. Lalakaran mo na lamang. Effortless ika nga.

Sa baluktot na daan anjan pa ang mga bato ay lubak. May mga na kaharang pang natumbang punong kahoy. Mahirap dumaan. Kelangan mong alalayan ang mga kasama mo lalo na kung ikaw ang lider nila. Dahil ikaw ang nauuna, kelangan mong linisin ang daan para sa mga susunod para sila ay makadaan ng maayos kahit papaano.

Sa lagay ng Pilipinas, mas maihahalintulad ito sa baluktot na daan. Saan man nating tignan ang Pilipinas, aminin man natin o hindi ang kabulukan nito sa loob at sa labas, hindi natin maiaalis ag katotohanan baluktot ang daang tinatahatak ng bansa natin.



At mas gugustuhin ko na ang pangulong sasamahan at lilinisin ang daan ng Pilpipinas para sa mga Pilipino kesa sa Pagulong naghahanap ng mabilis, malinis at effortless na ruta. Malamang kaya niya gusto ang matuwid na daan dahil hindi niya kayang ituwid ang baluktot na daan. Ngayon paano niya tatapusina ng kurapsyon yung balak niya takasan ang katotohanan tungkol sa bansang gusto niyang pamunuan?

1 comment: