Saludo ako sa isang Haciendero
Hindi maikakaila ang isang bagay. Ito ay ang katotohanang Si Noynoy Cojuangco-Aquino ay isang Haciendero. Kitang-kita ang pruweba, nakadikit sa pangalan niya, Cojuangco-Aquino.
At may mga katotohanan kahit alam ng karamihan ay ayaw nilang pansinin. Ito ay ang mga kadahilanan ng mga Haciendero kung bakit nila ayaw umangat ang buhay ng kanilang mga trabahador.
1.Kapag marami pang mahirap, lalo na sa lugar nila, mas lalong dadami ang trabahador nila. Kung mas madami ang trabahador mabilis at madami ang prokudsyon, habng barya lang ang ibabayad nila sa mga tabahador at magsasaka bilang sweldo.
2.Kapag ang isang pamilyang magsasaka ay hindi nakapag-paaral ng kanilang mga anak dahil sa iilang pisong sweldo nila tatanda ang bata na mangmang at ang trabahong pwede lang sa kanya ay alipin ulit ng Hacienda.
Kapag tinanggap ng mga Haciendero ang mangmang na bata bilang trabahador, tatanaww ang pamilya nito ng utang-na-loob sa mga Hacienderong amo nila.
Ganitong paraan hawak sa leeg ng mga Haciendero ang mga magsasaka pati ang susunod na henerasyon ila.
3.Kapag ang isang Haciendero ay naluklok sa sa lokal na pamahalaan, kampante ang mga kamang-anak nitong nangpapatakbo ng Hacienda. Protektado ang Hacienda. Hindi masisilip ang nangyayari sa loob. May assistance pa ng pamahalaan.
Kapag isang Haciendero and namuno sa Malakanyang, naguumapaw ang kaligayahan at kahayukan sa kayamanan sa Kayamanan at Kapangyarihan ng mga kamang-anak nito na kahati sa korporasyon ng Hacienda.
MAHUSAY NA PULITIKO!
Alam kung paano gagamitin ang posisyon para pangalagaan ang kayamanan nila!
Mahusay na Plano.
Mahusay na Negosyante.
Mahusay na Kongresman.
Mahusay na Haciendero.
Mahusay si Noynoy at ang Kamag-anak Inc.
ITO ANG IPANGPAPATULOY NIYA!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
i like your insights... lets keep awakening the people about the ills and illusions of society...
ReplyDeletenoynoy and the rest of his family are not that noble after all...
http://sisigbite.blogspot.com/2010/03/tuesday-march-23-2010-philippines-truth.html