TopBlogs.com.ph

Politics & Government - Top Blogs Philippines

Friday, January 15, 2010

Bagong Mukha lang pala...

Para sa iyo magkaroon lang ng bagong mukha ang Liderato ng Pilipinasay ayos na. Di na baleng ang "Bagong Liderato" na nais niyong ihalal ay walang kayang gawin. Hindi na rin baleng magmistulan papet ang presidente ng pilipinas ng mga taong nag-udyok sa kanya para tumakbo. At lalong hindi na rin baleng wala siyang kayang patunayan. At ayos lang sa atin na "hindi ako magnanakaw" ang tanging kongkretong plano niyang gawin.

Sa ideya na magkaroon lang ng "Bagong Mukha" ang Liderato ng Pilipinas ay ayos na ang mukha ni Noynoy. Iiisang tabi na natin ang mga katotohanan na ito. Babalewalain na natin na may bahid din ng tradisyonal na politika ang hanay ng Partido Liberal. Babalewalain natin na si Noynoy ay napilitan lang naman talagang tumakbo dahil na din sa udyok ng mga lumang politiko, yung mga tinatawag niyo ring TRAPO.

Dahil sila ang unang nagsamit ng mga salitang PAGBABAGO ay bilib na bilib na kayong lahat, tapos para na kayong aso na susunod-sunod. kahit ang PAGBABAGO na iyon para isang drawing lang sa hangin dahil di naman niya kayang panindigan.

Kung taong makikipaglaban lang sa karapata ng mga pilipino ay marami ng gumawa at gumagawa noon. pero pinagtatawanan lang sila at kinukutya ninyo. Kung yun lang pala ang hanap ninyo sa isang Lider edi sana isa sa mga ralliyista sa mediola ginagawa na ninyong presidente.

Hindi ko sinasabing pabayaan na lamang ang laban sa karapatan, pero dahil meroon na rin namang nagpapatuloy ng laban na ito bakit hindi nating atupaging ayusin ang pamumuhay at kaunlaran natin para sa darating na panahon ay wala ng mang-aapi s karapatan ng bawat isa at hindi na kailangan pang ipaglaban ito.

Sayang, patriatiko pa naman sana ang mga pilipino, pero hindi pa rin nila alam kung ano ang kailangan ng kanilang bayan, hangang ngayon ay takot pa rin silang sumubok at labanan ang mga sarili nilang takot. Kumakapit pa rin sila sa mga taong nagpapangako sa kanila ng lahat ng bagya hindi sa mga taong handang magturo sa kanila ng tamang paraan.

Hangang ngayon hindi parin nila alam kung paano iaahon ang kanilang sarili sa kinalalagyan nila ng hindi umaasa at dumedepende sa pangakong iniwan sa kanila...

tsk tsk tsk

Kawawang Pilipinas.

No comments:

Post a Comment